Republika ng PilipinasBarangay Sto. Rosario-Kanluran, Pateros

Citizen’s Charter — 37 serbisyo

MGA SERBISYO NG BARANGAY

Ang buong Citizen’s Charter ng barangay: ano ang dalhin, magkano, gaano katagal, at saang opisina. Malinaw bago ka pa pumunta — walang sorpresa, walang lakad-balik.

BARANGAY CLEARANCE — AYON SA LAYUNIN

Isang dokumento, 27 layunin. Pareho ang requirements at ang ~20 minutong proseso sa Treasury window; ang layunin ang nagtatakda ng bayad.

Mga layuning may dagdag na requirement

  • Bail BondSketch ng ruta (mula sa bahay papunta sa barangay), pipirmahan ng Punong Barangay at tatatakan ng dry seal · Sino: Residenteng nakapiit (person deprived of liberty)
  • Marriage LicenseRequirement slip mula sa Municipal Hall
  • Manila WaterPara sa installation / excavation / pipeline permit
  • Tricycle Franchise/RenewalKung renewal: MTOP mula sa Municipal Hall
  • House RenovationLand title o deed of sale
  • Late Registration of Birth Cert.Sulat mula sa OBGYN o midwife (patunay ng live birth) · Certificate of live birth mula sa lying-in clinic o ospital
  • Building PermitLand title o deed of sale (LRA / Registry of Deeds) · Sino: May-ari ng lupa o gusali
  • Firearms License (LTOPF)/RenewalDating LTOPF (mula sa Firearms and Explosives Office)

Kailan maaaring tanggihan ang clearanceBarangay Ordinance No. 08-2025

  • May hindi pa naaayos na paglabag sa ordinansa — curfew, ingay, illegal parking/obstruction, hindi pagsunod sa waste segregation, o hindi natupad na community-service penalty
  • May nakabinbing kaso sa Lupong Tagapamayapa (maliban kung naayos na, may Certificate to File Action, na-withdraw, o na-dismiss)
  • May hindi pa nababayarang obligasyon sa barangay — mga naunang clearance fee o business-permit fee
  • Hindi pagdalo sa summons
  • Sadyang hindi pagharap sa Katarungang Pambarangay proceedings
  • Dokumentadong banta sa kapayapaan at kaayusan

Kung tinanggihan: bibigyan kayo ng nakasulat na abiso na may dahilan. Maaari kayong umapela nang nakasulat sa loob ng 10 araw, humiling ng pagdinig sa harap ng Punong Barangay o ng Konseho, at mag-apply muli kapag naayos na ang dahilan.

Makataong eksempsiyon (conditional na pagpapalabas): medical emergency, pag-eenrol ng menor de edad, deadline sa aplikasyon sa trabaho ng mga residenteng nangangailangan, at kalamidad.

Basahin ang buong ordinansa sa Mga Ordinansa at Resolusyon

Mga kailangang dalhin
  • Isang (1) valid government ID na may kasalukuyang address (original, photocopy, o digital) — alinman sa: National ID / ePhilsys, Barangay ID, UMID/SSS ID, Driver’s License, TIN ID, PhilHealth ID, Voter’s ID
  • Billing statement (original, photocopy, o digital) — alinman sa: Meralco, Manila Water, PLDT, Internet/Converge
  • Kung umuupa: lease contract (original) + authorization letter mula sa may-ari ng bahay — nakasaad ang pangalan, address, at tagal ng pangungupahan (hindi bababa sa 6 na buwan), may pirma
Bayad
₱100 – ₱1,000ayon sa layunin — piliin ang layunin para makita ang eksaktong bayad; nasa fee schedule ang buong listahan (Barangay Ordinance No. 015-19)
Tagal ng proseso
~20 minuto
Nangangasiwa
Clerk — Treasury window, Ground Floor

Hakbang-hakbang

  1. Isumite ang requirements sa Treasury window sa Ground Floor.
  2. Beberipikahin at ie-encode ng Clerk ang inyong detalye.
  3. Ipi-print ang dokumento, pipirmahan ng awtorisadong tao, tatatakan ng dry seal, at itatala sa logbook.
  4. Tatawagin kayo ng Clerk at sasabihin ang halaga. Magbayad sa window at kunin ang opisyal na resibo.
  5. Pumirma sa logbook at tanggapin ang dokumento.

Mag-apply online para sa Barangay Clearance

MGA DOKUMENTONG MAY SARILING PROSESO

Barangay ID, Cedula, Solo Parent, at Working Permit — bawat isa ay may sariling requirements at daloy.

MGA LIBRENG SERTIPIKO

Anim na sertipikong WALANG BAYAD. Huwag pong magbigay ng “lagay” kaninuman.

Social Welfare Desk

Kailangan po ba ng tulong pinansyal o medikal?

Limang endorsement flow (DSWD / PCSO / MSWD) — gamot, hospital bill, at libing: checklist ng requirements at contact ng desk.

Buksan

TALAAN NG BAYARIN — LAHAT NG 37 SERBISYO

#SerbisyoBayadTagal
1Local/Overseas Employment₱10020 min
2Driver’s License₱20020 min
3Legal Purposes₱20020 min
4Bail Bond₱10020 min
5Postal ID₱25020 min
6Proof of Residency₱10020 min
7Marriage License₱20020 min
8NBI Clearance₱20020 min
9Passport Clearance₱20020 min
10Bank Requirement₱30020 min
11Lending Loan₱30020 min
12Bank Loan₱30020 min
13Motorcycle Loan₱30020 min
14Manila Water₱1,00020 min
15Meralco Electrical Permit₱1,000 kada meter base20 min
16Tricycle Franchise/Renewal₱100 kung residente/asosasyon · ₱200 kung hindi20 min
17House Renovation₱1,00020 min
18Late Registration of Birth Cert.₱10020 min
194Ps Requirement₱10020 min
20Solo Parent₱1001 araw + 26 min (may house visit)
21Building Permit₱1,00020 min
22TESDA₱20020 min
23SSS₱250*20 min
24TIN ID / PhilHealth / Pag-IBIG₱250*20 min
25OWWA₱1,00020 min
26Firearms License (LTOPF)/Renewal₱20020 min
27Calamity Loan₱200*20 min
28Housing Loan₱20020 min
29Barangay ID₱200*30 minuto
30Cedula (Community Tax Certificate)₱2015 minuto
31Certificate of IndigencyLIBRE18 minuto
32Certificate of Last ResidencyLIBRE20 minuto
33Certificate of Non-ResidencyLIBRE20 minuto
34First Time Job SeekerLIBRE*16 minuto
35Certificate of CohabitationLIBRE15 minuto
36Certificate of Non-CohabitationLIBRE20 minuto
37Working Permit₱1,000 kada poste (Meralco) · LIBRE ang residential install/repair · ₱1,000 sa major works24 minuto

* May pagkakaiba sa loob mismo ng nakalimbag na charter — pakikumpirma po ang halaga sa Treasury window.

Anti-Red Tape Act (RA 11032). Kung lumampas sa nakasaad na oras ang proseso, o may humingi ng bayad na wala sa listahan, i-report agad sa Punong Barangay o tumawag sa (02) 8642 3914.